James Garcia, April 4, 2004 SF MURAL ARTS
Ang social injustice o panlipunang kawalang katarungan ay nararanasan sa mga pagkakataong ang mga mamamayan ay nakararanas ng hindi pantay na pagtrato. Karaniwan itong nararanasan ng mga nasa mababang antas ng pamumuhay at maging ng iilan na nasa mataas na antas ng pamumuhay.
"They're smiling while others are suffering"
Agenpress.it |
Sa kabilang banda, ang pagbaba ng rate ng mga drug users at pushers sa bansa ang isa sa mga tinitignan na positibong epekto ng ganitong klaseng pamamaraan ng mga kapulisan sa paghuli sa mga kriminal. Ang pangyayaring ito ay nagpapakita rin ng dedikasyon ng mga kapulisan sa kanilang ginagampanang tungkulin.
Health Services
Ang
pamamaraan ng panggagamot at pagsusuri ng mga sakit ay patuloy na nagiging
moderno.
Dati
ang sinaunang manggagamot katulad ng Albularyo, Mangtatawas, atbp. Ay nakakatukoy at nakagagamot ng mga sakit
na walang siyensyang basehan ngunit, sa tulong ng mga orasyon o sa relihiyosong
ritwal na may kasamang herbal.
Kalaunan
ang paraan ng panggamot ay unti-unting naging makasiyensya.Hanggang sa
pasimula ng ika-20 siglo naging napakabilis at sunod- sunod ang pagsulong sa
medisina dahil na rin mas nagkakaroon sila ng higit na kaalaman sa pagtukoy sa maaring
naging sanhi ng isang sakit o karamdaman sa mga tao at sa tulong na rin ng
patuloy na paglaganap ng mga Makina o devices na kanilang ginagamit na higit na
nakakatulong sa atin. Kahit na ganon, hindi pa rin nawala ang mga tradisyonal
na panggamot na mayroon pa rin sa mga ilang
probinsya na sa mga albularyo pa rin nag
papagamot.
http://pagsasapribado.blogspot.com/2013/ |
Patuloy
nga ang pag-unlad sa larangan ng medisina subalit marami rin
ang nagiging problema sa mga health services ngayon. Isa na diyan ang palaki ng
palaking binabayaran sa hospital o mga health center kapag ikaw ay nag
kakasakit. Kahit sabihing may mga pantulong ang mga gobyerno katulad ng
Philhealth ay hindi pa rin sapat lalo na sa mga taong sobrang hirap ang buhay,
pati na rin sa mga taong hindi naabutan ng tulong pinansyal kaya, kagaya nga ng
sinabi ko kanina ang ilang tao ay mas pinipili na lang mag paggamot sa mga folk
doctors lalo ang mga nakatira sa mga liblib na probinsya dahil sa, kakulangan
ng suporta at tulong ng gobyerno pati na rin ang papalaki ng papalaking
populasyon kaya mas nahihirapan silang suportahan ito. Resulta nito ang kawalan
ng mga health center, at kung hindi naman ang mga health center na kung
susuriin ay kulang na kulang sa mga gamit at supply ng gamot. bukod doon ito ay
sobrang lalayo pa sa kanilang mga lugar kaya inaasa na lng nila ito sa mga folk
doctors kung tawagin. At kung sa mga teknolohiya na ginagamit sa mga hospital
naman ang pag uusapan marami rin ang nagiging problema sa mga ito. Kagaya ng
mga radiation machines na minsan mali ang lumalabas na resulta ng kanilang mga
test. Katulad na lamang sa mga ultrasounds kapag ang buntis ay nag pacheck ng
magiging gender ng kanilang anak minsan lumalabas na babae ang kanilang
magiging anak pero kapag nailabas na ito magugulat na lng sila na mali pala ang
lumabas sa ultrasound. Nagkakamali rin ito minsan sa pagdedetek ng mga sakit.
Kung sa ibang doctor lumabas sa kanilang mga detektor ay negative result,
ngunit kapag ang pasyente ay humingi na ng second opinion sa iba pang mga
doctor ang lumalabas sa kanilang mga diagnosis ay positive naman. Pero minsan,
hindi na sa mga teknolohiyang ginagamit ang may mali kundi, ang mga doctor na
ang nagkakamali sa pagsusuri o pagbabasa sa lumalabas na resulta ng mga test. Kahit na
ganon marami pa rin ang naitutulong ang serbisyo sa hospital o sa mga health center
sa atin lalo na sa mga taong
nakatira sa mga siyudad. Lalo na sa panahon ngayon marami ng lumalaganap na mga
sakit, at tanging sa mga eksperto sa medisina na may higit na kaalaman ang
dapat nating lapitan.
Different Religions
(C) Ernie Musings |
Ang relihiyon ay
laganap sa ating mundo maraming paniniwala sa kanya kanya nating relihiyon.
Humigit kumulang 4,200 na relihiyon ang mayroon buong mundo. Ang Judaism,
Hinduism, Islam, Buddhism, at Kristyano ay ang limang pangunahing relihiyon sa
buong mundo. Maaring mag kakaiba tayo ng relihiyon o pinaniniwalaan, hindi ito
dahilan ng pag siklab ng gulo sa ating daigdig. Sa panahon ngayon, nagiging
basehan na ang relihiyon sa ugali ng tao, estado, at mga ikikilos nito.
Halimbawa na lamang ang Islam, maraming tao ang nag-iisip na pag Muslim ang
isang tao miyembro na ito ng ISIS o mga terrorista. Isa pang halimbawa ay ang
pag pasan ng Poong Nazareno tuwing Enero na naging tradisyon na at panata ng
mga Kristyano tuwing kapistahan nito ngunit nababatikos ito dahil bakit nga daw
ba sinasamba ang rebulto? Paano naging sagrado kung maraming tao ang nasasaktan
habang ginagawa ito? Ilan sa mga katanungan ng mga tao tuwing isinasagawa ang
prusisyon ng Mahal na Poong Nazareno. Ilan lamang iyan sa mga pag puna ng mga
tao sa mga kasanayan, pinapaniwalaan, at kultura ng bawat relihiyon. Bakit nga
ba natin di magawang kumilala at rumespeto na lamang? May mga taong may
kinikilalang sari-sarili nilang Diyos, may mga taong kahit may sarili silang
Diyos kwekwestyunin pa ang Diyos ng iba, at may mga taong hindi naniniwala sa
Diyos. Maaring sa mga naging karanasan nila sa buhay, tumindi o nag bago ang
pananampalataya nila ngunit hindi ito dahilaan para tayo ay mambastos, manira,
at manghusga ng isang relihiyon. Sa lahat ng hindi pag kakaunawan sa mundo
dahil sa relihiyon maraming buhay ang nawawala, maraming dugo ang dumadanak.
Naiisip ba natin ang maaring mangyari sa mundo kung lahat tayo ay matututong
rumespeto sa paniniwala ng iba. Simple lang naman ang batas o patakaran na
dapat isabuhay ng mga tao, may pinapaniwalaan kamang relihiyon o wala matuto
kang rumespeto sa paraan at pamumuhay ng relihiyon ng bawat isa, dahil hindi
natin ikakaunlad ang pang huhusga sa ibang tao dahil lang iba ang kanilang
relihiyon. Kung marunong lang rumespeto ang bawat isa, o ang mundo siguro
ngayon ay kay ganda.
(C) Andrew Rabulan |
(C) International Business Times |
Education System
Credits: Tesda |
Ang Edukasyon ay isang importante para sa ating mga Pilipino sapagkat ito ang daan upang matupad naten ang hakbang para sa ating mga pangarap. Sobrang importante ng Edukasyon sapagkat ito ang ating regalo sa ating sarili na hindi maaagaw ng iba. Ang Sistema ng Edukasyon dati at ngayon ay malaki ang pagkakaiba para sa aking pananaw, Sapagkat noon ang Edukasyon ay nasa maayos na sistema sapagkat hindi lang puro bigay ng project at assignment meron kang matututo sa bawat araw na papasok ka sa paaralan. Papasok ka sa paaralan para matuto hindi lang para magpasa ng ganito. Sapagkat ngayon sobrang iba na ang Sistema ng Edukasyon para sa akin. Madalas ang mga Estudyante wala ng ganang pumasok ng paaralan sapagkat pumapasok nalang sila para magpasa ng mga gawain na kailangan ng ipasa hindi na sila pumapasok para matuto kailangan lang nila pumasok sapagkat may Peta na kailangan ipasa. Sa aking nadanas bilang isang Senior High School Students hindi ito madali para sa akin sapagkat sabi ng Gobyerno ang K12 ay isang paraan para makapag handa ang mga kabataan para sa kolehiyo ngunit ang nangyayare ang sistema ng k12 ay parang lumagpas pa sa lebel ng kolehiyo. Sapagkat mahirap ang bawat strand na andito sa k12 kung STEM Students ka para kang magdodoctor na magengineer na magchemist sa isang araw. Sa totoo lang hindi handa ang ating bansa sa K12 pinili lang ng ating dating Pangulo na si Noynoy Aquino para sabihin na nakakasabay tayo sa ibang bansa. Pero sana isang araw magbago ang takbo ng Sistema ng Edukasyon sa ating bansa.
Credits: Inquirer.net |
Evolution of Filipino Culture
https://geopolitics.co/2013/09/25/the-devolution-of-philippine-society/ |
Social Movements towards Social Change
https://mayrsom.files.wordpress.com/2016/05/consumer-electronics.jpg?w=600 |
Sa pag lipas ng panahon hindi maiiwasan ang
pagbabago sa kahit anong larangan sa bansa,maging sa teknolohiya,kultura, at
higit sa lahat sa tao. Ang social change ay ang pagbabago sa lipunan, pag
babago na hindi maiiwasan kahit gaano man natin gustuhin na walang
magbabago,samantalang ang social movement naman ay ang paggalaw ng lipunan sa
nagdaang panahon. Habang patagal nang patagal lalong umuusbong ang pag babago
sa larangan ng makabagong teknolohiya dahil dito mas napapadali ang Gawain
nating mga Pilipino sa pang araw araw na Gawain ngunit kaakibat nito ang
pagiging tamad at pagiging walang prodaksyon sa pang araw araw na Gawain. Isa
sa mga halimbawa ng pagbabago ng lipunan dahil sa teknolohiya mas nagiging
tamad ang mga estudyante, kapag may mga takdang aralin ang mga estudyante hindi
na dumideretso sa library o sa kahit anong instutusyon pinipili na lamang
nilang mag hanap sa internet upang mapadali ang kanilang Gawain ng hindi
tinitignan kung tama ba ang pinagkuhanan ng impormasyon na kanilang ginamit. Isa
pa sa mga halimabawa ang social media madami ang nagpapalaganap ng maling
balita o kung tawagin ay fake news dahil dito may mga taong naapektuhan dahil
sa maling pinapakalat. Modernasasyon isa sa mga bagay na sobrang laki ang
pinagbago simula noon. Naglalakihang mga imprastraktura tulad ng mga
pampublikong ospital,paaralan,at ang kalsada, lalo na ang makabagong
teknolohiya pag dating sa medical technology mas nakakatulong ito upang humaba
pa ang buhay ng isang tao. Nagkakakaroon ng mga gamot para sa mga mas
komplikadong sakit dahil sa modernisasyon sa bansa. Sa larangan ng edukasyon
sumasabay na ang ating bansa sa iba pang bansa dahil sa bagong kurikulum na
kto12. Samantalang ang mga kalsada naman ay mas lalong lumalawak nakakatulong
ito upang maiwasan ang trapiko sa bansa at makatulong upang mas mapaganda ang
kalsada sa bansa,ngunit kaakibat nito ang pag sira paonti onti n gating
kalikasasan mas lumalaganap ang deforestation sa bansa at maging ang kultura ng
mga Pilipino ay onti onti nang nawawala dahil sa modernisasyon na ito. Isa sa
mga halimbawa na nagpabago dahil sa modernasyon ay ang Puv modernization
programm dahil dito madami ang jeepney ang gustong iface out dahil lang sa luma
na ito at nais ng gobyerno na palitan ng mas magandang desenyo at mas magandang
makina ang nasabing jeepney. Ang
pilipinas ay unti unting umuulad dahil sa pagbabago ng lipunan may mga
magagandang naidudulot ito at meron ding masamang epekto dahil sa pag babago na
ito habang paunlad nang paunlad ang pilipinas mas lalo itong naayos at mas
lalong nakakita ng solusyon sa mga bagay bagay sa bansa.
Sa
pag lipas ng panahon hindi maiiwasan ang pagbabago sa kahit anong larangan sa
bansa,maging sa teknolohiya,at modernisasyon . Ang social change ay ang
pagbabago sa lipunan, pag babago na hindi maiiwasan kahit gaano man natin
gustuhin na walang magbabago,samantalang ang social movement naman ay ang
paggalaw ng lipunan sa nagdaang panahon. Habang patagal nang patagal lalong
umuusbong ang pag babago sa larangan ng makabagong teknolohiya dahil dito mas
napapadali ang Gawain nating mga Pilipino sa pang araw araw na Gawain ngunit
kaakibat nito ang pagiging tamad at pagiging walang prodaksyon sa pang araw
araw na Gawain. Isa sa mga halimbawa ng pagbabago ng lipunan dahil sa
teknolohiya mas nagiging tamad ang mga estudyante, kapag may mga takdang aralin
ang mga estudyante hindi na dumideretso sa library o sa kahit anong instutusyon
pinipili na lamang nilang mag hanap sa internet upang mapadali ang kanilang
Gawain ng hindi tinitignan kung tama ba ang pinagkuhanan ng impormasyon na
kanilang ginamit. Isa pa sa mga halimabawa ang social media madami ang
nagpapalaganap ng maling balita o kung tawagin ay fake news dahil dito may mga
taong naapektuhan dahil sa maling pinapakalat. Modernasasyon isa sa mga bagay
na sobrang laki ang pinagbago simula noon. Naglalakihang mga imprastraktura
tulad ng mga pampublikong ospital,paaralan,at ang kalsada, lalo na ang
makabagong teknolohiya pag dating sa medical technology mas nakakatulong ito
upang humaba pa ang buhay ng isang tao. Nagkakakaroon ng mga gamot para sa mga
mas komplikadong sakit dahil sa modernisasyon sa bansa. Sa larangan ng
edukasyon sumasabay na ang ating bansa sa iba pang bansa dahil sa bagong
kurikulum na kto12. Samantalang ang mga kalsada naman ay mas lalong lumalawak
nakakatulong ito upang maiwasan ang trapiko sa bansa at makatulong upang mas
mapaganda ang kalsada sa bansa,ngunit kaakibat nito ang pag sira paonti onti n
gating kalikasasan mas lumalaganap ang deforestation sa bansa at maging ang
kultura ng mga Pilipino ay onti onti nang nawawala dahil sa modernisasyon na
ito. Isa sa mga halimbawa na nagpabago dahil sa modernasyon ay ang Puv
modernization programm dahil dito madami ang jeepney ang gustong iface out
dahil lang sa luma na ito at nais ng gobyerno na palitan ng mas magandang
desenyo at mas magandang makina ang
nasabing jeepney. Ang pilipinas ay unti unting umuulad dahil sa pagbabago ng
lipunan may mga magagandang naidudulot ito at meron ding masamang epekto dahil
sa pag babago na ito habang paunlad nang paunlad ang pilipinas mas lalo itong
naayos at mas lalong nakakita ng solusyon sa mga bagay bagay sa bansa.
Political Dynasties in the Philippines
Anti-dynasty bill, para sa pagbabago ng bayan
Napag-uusapan na ngayon ang pinapanukala sa
Senado, ang Anti-dynasty bill. Dahil dito, maaaring makapili ang mga botante
nang isang mas epektibong lider, at tuluyan nang mahinto ang korapsyon sa ating
bansa.
Ayon sa 1987 Constitution of the
Philippines, Article II section 26, “The State shall guarantee equal access to
opportunities for public service, and prohibit political dynasties as may be
defined by law.” Nailahad dito na hindi pinapayagan ang political dynasty sa
ating bansa. Ngunit hindi ito maipatupad dahil ayon sa panayam kay Chief
Justice Reynato Puno, hindi ito maipatupad dahil kailangan pa na magpasa pa ng
batas para dito.
Kung maipapasa man ang anti-dynasty bill,
malilimitahan na ang political dynasty sa Pilipinas at maaaring mabibigyan ng
pagkakataon ang mga taong gusting gumawa ng pagbabago sa ating bansa.
Magbibigay ito ng mas malakas at mas magandang pamumuno na walang halong
korapsyon sa ating bansa.
Pero syempre, ang pagbabago na hangad ng isang
mahusay na lider ay hindi maipapatupad kung hindi maisasaayos ang mga botante. Kaya
kung maipapasa ang Anti-Dynasty bill, kailangan natin makapili ang mga botante
na mas epektibong lider sa ating bansa para mas lalo itong maiplementahan. Kaya
naman para sa inaasam na pagbabago, simulan natin sa ating sarili, “vote
wisely” ika nga nila.
Structures of Families in the Philippines
Magandang Epekto ng Extended Family
Ayon sa mga Pilipino Simula noon pa lamang ay
likas na sa mga Pilipino ang pamumuhay kasama ang mas malawak pa na bahagi ng
kanilang pamilya. Sa oras ng pangangailangan ay masasabi nating mga Pilipino na
mas maganda na mayroon tayong matatakbuhan na ating pinagkakatiwalaan.
"Ang advantage noon, kampante kami na may titingin sa kanila, may
mag-aalaga sa kanila maski na wala kami. Hindi lang 'yung yaya, kundi 'yung talagang
kapamilya namin na may malasakit doon sa mga bata.” Iyan ang isa sa mga
saloobin ng mga pamilya na namumuhay kasama ang kanilang mga kamag-anak na
kadalasan sa loob ng iisang bahay lamang o sa isang compound. Mas mainam nga
naman na kahit anong mangyari ay sigurado tayo sa seguridad ng ating mga anak
na kung minsan ay iponagkakatiwala natin ito sa kanilang mga lolo. Kung minsan
ay hindi maiiwasan ang hindi pagkakaintindihan sa loob ng pamilya, pero alam
natin na kahit anong mangyari ay hindi naman talaga ito mawawala. Dahil na rin
sa hirap ng buhay ay mas mainam na hindi na tayo kukuha ng yaya o katulong na
binabayaran buwan-buwan. Higit na sigurado tayo at makakatipid na likas sa mga
Pilipino.