Sabado, Marso 17, 2018

SOCIAL INJUSTICES EXPERIENCED BY THE FILIPINOS

James Garcia, April 4, 2004  SF MURAL ARTS


Ang mural art na ito ay isa lamang sa mga simbolo na may kawalan ng katarungan na nagaganap sa bansang Pilipinas. Ano nga ba ang ibig sabihin ng social injustice? 

Ang social injustice o panlipunang kawalang katarungan ay nararanasan sa mga pagkakataong ang mga mamamayan ay nakararanas ng hindi pantay na pagtrato. Karaniwan itong nararanasan ng mga nasa mababang antas ng pamumuhay at maging ng iilan na nasa mataas na antas ng pamumuhay.


"They're smiling while others are suffering"


Ang eksenang ito ay aking nakuhanan sa Dagupan,Tondo Manila. Kilala ang Tondo bilang isang lugar na kung saan marami ang nakararanas ng kahirapan at kawalan ng panlipunang katarungan. Ito ay isa lamang sa lugar na kung saan higit na nabibigyan ng pribilehiyo ang mga mayayaman na dapat nararanasan din ng lahat. Isang halimbawa nito ay ang taripa na pinapataw sa lahat ng bilihin at serbisyo, lahat ay nakikibahagi sa pagbabayad nito ngunit hindi lahat ay nakararanas ng benepisyong kapalit. Sa larawang ito mistulang nagagawang ngumiti ng mga nakatataas dahil sa mga pinaghihirapan ng mga normal na mamamayan. Hindi lahat ay natatamo ang serbisyo at tulong na kung tutuusin ang mga mahihirap ang mas nangangailangan. Nakalulungkot din isipin na ang eksenang katulad nito ay hindi lamang mabibilang sa kaso ng social injustices ng bansa, kundi maging sa economic growth ay may malaking epekto ang kahirapan. Ayon nga rin kay William Feather "Every Social Injustice is not only cruel, but it is economic waste."



Agenpress.it
Ang isa rin sa pinaka matinding social injustices na nararanasan sa kasalukuyan ng mga Pilipino ay ang Extra Judicial Killings. Ilang mga aktibista ang bumatikos at sinasabing ito ay tumataliwas sa Human Right ng isang tao. Maraming pamilya ang naiwanan ng mga mahal nila sa buhay dahil sa platapormang ito ng administrasyong Duterte. Ang bawat iyak, hagulhol at paghingi ng hustisya ng mga pamilyang naiwanan ang siyang tila nagpapaningas muli ng tensyon kahit pa may sapat na idinadahilan ang mga kapulisan ukol sa kaso ng bawat biktima ng ganitong uri ng proseso ng paglilitis. Ayon nga sa Bill of Rights Artikulo III Seksyon 14 noong 1987 ng Konstitusyon ng Pilipinas; (1) Hindi dapat papanagutin sa pagkakasalang kriminal ang sino mang tao nang hindi kaparaanan ng batas. (2)  Sa lahat ng mga pag-uusig kriminal, ang nasasakdal ay dapat ituring na walang sala hangga't hindi napapatunayan ang naiiba, at dapat magtamasa ng karapatang magmatwid sa pamamagitan ng sarili at ng abogado, mapatalastasan ng uri at dahilan ng sakdal laban sa kanya, magkaroon ng mabilis, walang kinikilingan, at hayagan paglitis, makaharap ang mga testigo, magkaroon ng sapilitang kaparaanan upang matiyak ang pagharap ng mga testigo sa paglilitaw ng ebidensyang para sa kanyang kapakanan.  Gayon man, matapos mabasa ang sakdal, maaring ituloy ang paglilitis kahit wala ang nasasakdal sa pasubaling marapat na napatalastasan siya at di makatwiran ang kanyang kabiguang humarap. Ito ang kinahihinagpis ng bawat ng pamilya ukol sa kaso ng kanilang mga mahal sa buhay dahil hindi nabibigyan ng pagkakataon na malitis sa tamang proseso. Mahirap isipin na ang madalas na biktima ng Extra Judicial Killing ay ang mga taong nasasangkot sa ilang krimen na nabibilang sa mababang antas ng pamumuhay. Samantala, ang mga taong nasasangkot din sa isang krimen na nasa mataas na uri naman ng pamumuhay ay nabibigyan ng pagkakataon na malitis sa tamang proseso.  
                             
Sa kabilang banda, ang pagbaba ng rate ng mga drug users at pushers sa bansa ang isa sa mga tinitignan na positibong epekto ng ganitong klaseng pamamaraan ng mga kapulisan sa paghuli sa mga kriminal. Ang pangyayaring ito ay nagpapakita rin ng dedikasyon ng mga kapulisan sa kanilang ginagampanang tungkulin.





Health Services

Ang pamamaraan ng panggagamot at pagsusuri ng mga sakit ay patuloy na nagiging moderno.   

















Dati ang sinaunang manggagamot katulad ng Albularyo, Mangtatawas, atbp. Ay nakakatukoy at nakagagamot ng mga sakit na walang siyensyang basehan ngunit, sa tulong ng mga orasyon o sa relihiyosong ritwal na may kasamang herbal.  

Kalaunan ang paraan ng panggamot ay unti-unting naging makasiyensya.Hanggang sa pasimula ng ika-20 siglo naging napakabilis at sunod- sunod ang pagsulong sa medisina dahil na rin mas nagkakaroon sila ng higit na kaalaman sa pagtukoy sa maaring naging sanhi ng isang sakit o karamdaman sa mga tao at sa tulong na rin ng patuloy na paglaganap ng mga Makina o devices na kanilang ginagamit na higit na nakakatulong sa atin. Kahit na ganon, hindi pa rin nawala ang mga tradisyonal na panggamot na mayroon pa rin sa mga ilang probinsya na sa mga albularyo pa rin nag papagamot.

http://pagsasapribado.blogspot.com/2013/

Patuloy nga ang pag-unlad sa larangan ng medisina subalit marami rin ang nagiging problema sa mga health services ngayon. Isa na diyan ang palaki ng palaking binabayaran sa hospital o mga health center kapag ikaw ay nag kakasakit. Kahit sabihing may mga pantulong ang mga gobyerno katulad ng Philhealth ay hindi pa rin sapat lalo na sa mga taong sobrang hirap ang buhay, pati na rin sa mga taong hindi naabutan ng tulong pinansyal kaya, kagaya nga ng sinabi ko kanina ang ilang tao ay mas pinipili na lang mag paggamot sa mga folk doctors lalo ang mga nakatira sa mga liblib na probinsya dahil sa, kakulangan ng suporta at tulong ng gobyerno pati na rin ang papalaki ng papalaking populasyon kaya mas nahihirapan silang suportahan ito. Resulta nito ang kawalan ng mga health center, at kung hindi naman ang mga health center na kung susuriin ay kulang na kulang sa mga gamit at supply ng gamot. bukod doon ito ay sobrang lalayo pa sa kanilang mga lugar kaya inaasa na lng nila ito sa mga folk doctors kung tawagin. At kung sa mga teknolohiya na ginagamit sa mga hospital naman ang pag uusapan marami rin ang nagiging problema sa mga ito. Kagaya ng mga radiation machines na minsan mali ang lumalabas na resulta ng kanilang mga test. Katulad na lamang sa mga ultrasounds kapag ang buntis ay nag pacheck ng magiging gender ng kanilang anak minsan lumalabas na babae ang kanilang magiging anak pero kapag nailabas na ito magugulat na lng sila na mali pala ang lumabas sa ultrasound. Nagkakamali rin ito minsan sa pagdedetek ng mga sakit. Kung sa ibang doctor lumabas sa kanilang mga detektor ay negative result, ngunit kapag ang pasyente ay humingi na ng second opinion sa iba pang mga doctor ang lumalabas sa kanilang mga diagnosis ay positive naman. Pero minsan, hindi na sa mga teknolohiyang ginagamit ang may mali kundi, ang mga doctor na ang nagkakamali sa pagsusuri o pagbabasa sa lumalabas na resulta ng mga test. Kahit na ganon marami pa rin ang naitutulong ang serbisyo sa hospital o sa mga health center sa atin lalo na sa mga taong nakatira sa mga siyudad. Lalo na sa panahon ngayon marami ng lumalaganap na mga sakit, at tanging sa mga eksperto sa medisina na may higit na kaalaman ang dapat nating lapitan. 

Different Religions


(C) Ernie Musings
Ang relihiyon ay laganap sa ating mundo maraming paniniwala sa kanya kanya nating relihiyon. Humigit kumulang 4,200 na relihiyon ang mayroon buong mundo. Ang Judaism, Hinduism, Islam, Buddhism, at Kristyano ay ang limang pangunahing relihiyon sa buong mundo. Maaring mag kakaiba tayo ng relihiyon o pinaniniwalaan, hindi ito dahilan ng pag siklab ng gulo sa ating daigdig. Sa panahon ngayon, nagiging basehan na ang relihiyon sa ugali ng tao, estado, at mga ikikilos nito. Halimbawa na lamang ang Islam, maraming tao ang nag-iisip na pag Muslim ang isang tao miyembro na ito ng ISIS o mga terrorista. Isa pang halimbawa ay ang pag pasan ng Poong Nazareno tuwing Enero na naging tradisyon na at panata ng mga Kristyano tuwing kapistahan nito ngunit nababatikos ito dahil bakit nga daw ba sinasamba ang rebulto? Paano naging sagrado kung maraming tao ang nasasaktan habang ginagawa ito? Ilan sa mga katanungan ng mga tao tuwing isinasagawa ang prusisyon ng Mahal na Poong Nazareno. Ilan lamang iyan sa mga pag puna ng mga tao sa mga kasanayan, pinapaniwalaan, at kultura ng bawat relihiyon. Bakit nga ba natin di magawang kumilala at rumespeto na lamang? May mga taong may kinikilalang sari-sarili nilang Diyos, may mga taong kahit may sarili silang Diyos kwekwestyunin pa ang Diyos ng iba, at may mga taong hindi naniniwala sa Diyos. Maaring sa mga naging karanasan nila sa buhay, tumindi o nag bago ang pananampalataya nila ngunit hindi ito dahilaan para tayo ay mambastos, manira, at manghusga ng isang relihiyon. Sa lahat ng hindi pag kakaunawan sa mundo dahil sa relihiyon maraming buhay ang nawawala, maraming dugo ang dumadanak. Naiisip ba natin ang maaring mangyari sa mundo kung lahat tayo ay matututong rumespeto sa paniniwala ng iba. Simple lang naman ang batas o patakaran na dapat isabuhay ng mga tao, may pinapaniwalaan kamang relihiyon o wala matuto kang rumespeto sa paraan at pamumuhay ng relihiyon ng bawat isa, dahil hindi natin ikakaunlad ang pang huhusga sa ibang tao dahil lang iba ang kanilang relihiyon. Kung marunong lang rumespeto ang bawat isa, o ang mundo siguro ngayon ay kay ganda.

(C) Andrew Rabulan 


(C) International Business Times


Education System 


Credits: Tesda


Ang Edukasyon ay isang importante para sa ating mga Pilipino sapagkat ito ang daan upang matupad naten ang hakbang para sa ating mga pangarap. Sobrang importante ng Edukasyon sapagkat ito ang ating regalo sa ating sarili na hindi maaagaw ng iba. Ang Sistema ng Edukasyon dati at ngayon ay malaki ang pagkakaiba para sa aking pananaw, Sapagkat noon ang Edukasyon ay nasa maayos na sistema sapagkat hindi lang puro bigay ng project at assignment meron kang matututo sa bawat araw na papasok ka sa paaralan. Papasok ka sa paaralan para matuto hindi lang para magpasa ng ganito. Sapagkat ngayon sobrang iba na ang Sistema ng Edukasyon para sa akin. Madalas ang mga Estudyante wala ng ganang pumasok ng paaralan sapagkat pumapasok nalang sila para magpasa ng mga gawain na kailangan ng ipasa hindi na sila pumapasok para matuto kailangan lang nila pumasok sapagkat may Peta na kailangan ipasa. Sa aking nadanas bilang isang Senior High School Students hindi ito madali para sa akin sapagkat sabi ng Gobyerno ang K12 ay isang paraan para makapag handa ang mga kabataan para sa kolehiyo ngunit ang nangyayare ang sistema ng k12 ay parang lumagpas pa sa lebel ng kolehiyo. Sapagkat mahirap ang bawat strand na andito sa k12 kung STEM Students ka para kang magdodoctor na magengineer na magchemist sa isang araw. Sa totoo lang hindi handa ang ating bansa sa K12 pinili lang ng ating dating Pangulo na si Noynoy Aquino para sabihin na nakakasabay tayo sa ibang bansa. Pero sana isang araw magbago ang takbo ng Sistema ng Edukasyon sa ating bansa.

Credits: Inquirer.net




Evolution of Filipino Culture



Ang kultura ng Pilipinas ay isang kumbinasyon ng mga kultura ng Silangan at Kanluran. Ang Pilipinas ay unang naisaayos ng Negritos; ngayon, bagaman kakaunti ang bilang, pinananatili nila ang isang napaka-tradisyonal na paraan ng pamumuhay at kultura. Matapos ang mga ito, dumating ang mga Austronesian sa kapuluan. Sa ngayon, ang kultura ng Austronesian ay malakas na makikita sa mga etniko, wika, lutuin, musika, sayaw at halos lahat ng aspeto ng kultura. Ang mga Austronesian ay nakikipagtulungan sa iba pang mga Austronesian, lalo na sa mga kalapit na bansa ng Indonesia, Malaysia at Brunei. Nakipag-trade rin sila sa mainland Southeast Asia, pati na rin sa Japan, Korea, China, subcontinent sa India at Arabia. Bilang resulta, ang ilan sa mga kultura ay minarkahan ang kanilang impluwensya sa kultura ng Pilipinas. Ang Imperyo ng Espanya ay unti-unti na na-kolonya ang mga isla sa pagitan ng ika-16 at ika-19 na siglo (ang Batanes ay isa sa mga huling lugar na kolonisado noong kalagitnaan ng 1800s), pagkatapos ng higit sa tatlong siglo ng kolonisasyon, kumalat ang Roman Catholicism sa buong kapuluan at naimpluwensyahan ang relihiyon ng mga katutubong tao. Pagkatapos, pagkatapos na kolonisasyon ng Espanya, ang Pilipinas ay naging teritoryo ng U.S. sa loob ng halos 50 taon. Ang impluwensya mula sa Estados Unidos ay ipinahayag sa malawak na paggamit ng wikang Ingles, media at sa modernong kultura at damit ng kasalukuyang araw na Pilipinas. Ang kultura ng Pilipinas o kalinangan ng Pilipinas ay pinaghalong impluwensiya ng mga katutubong tradisyon at mga kultura ng mga unang mangangalakal at mananakop nito noon. Ang pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, sa pamamahala ng Mehiko, na tumagal ng mahigit 333 taon, ay may malaking kontribusyon sa Kultura ng Pilipinas. Ang Wikang Pilipino, na mas kadalasang kilala bilang Tagalog, ay maraming hiniram na salita galing Kastila. Karamihan sa mga pinagdiriwang na mga tradisyon ay magkahalong Kristiyano, Pagano, at iba pang lokal na seremonya. Bilang halimbawa, bawat taon, ang mga bayan sa buong bansa, ay nagsasagawa ng malalaking Pista, nagpapaalala sa mga Santong Patron ng mga bayan, barangay, o ng mga distrito. Ang mga Pista ay kadalasang may patimpalak sa katutubong pagsayaw, at sa ibang lugar ay mayroon pang sabungan. Ang mga ganitong tradisyon ay ginaganap din sa mga bansang nasakop ng mga Kastila. Sa katimugang bahagi ng bansa na karamihan ay mananalig Islam ay nagdiriwang din ng kanilang mga tradisyon at nakagawian. Bago pa man dumating ang mga unang mananakop, ang mga mangangalakal galing sa India, Malaysia, Indonesia, Tsina at Hapon ay may malaking kontribusyon din sa Kultura ng Pilipinas. Ang Hinduismo at Budismo ay may impluwensiya sa mga katutubong paniniwala ng mga Pilipino bago dumating ang mga Kastila at ang mga mangangalakal na Muslim. Ang wikang Tagalog at iba pang wika sa Pilipinas ay maraming hiniram sa wikang Sanskrito. Isang mabuting halimbawa ang karma, na hanggang ngayon ay pinaniniwalaan pa rin ng mga Pilipino. Marami sa mga pamahiin, hiniram na salita at pagkain, tulad ng pansit, siopao at iba pa ay minana sa mga mangangalakal na Instik. Ang ibig sabihin ng kultura ay ang paraan ng pamumuhay ng mga tao nagpapakita ng kaugalian, tradisyon, mga sining, sistema ng edukasyon, musika at pamahalaan 


https://geopolitics.co/2013/09/25/the-devolution-of-philippine-society/



Social Movements towards Social Change 


https://mayrsom.files.wordpress.com/2016/05/consumer-electronics.jpg?w=600


Sa pag lipas ng panahon hindi maiiwasan ang pagbabago sa kahit anong larangan sa bansa,maging sa teknolohiya,kultura, at higit sa lahat sa tao. Ang social change ay ang pagbabago sa lipunan, pag babago na hindi maiiwasan kahit gaano man natin gustuhin na walang magbabago,samantalang ang social movement naman ay ang paggalaw ng lipunan sa nagdaang panahon. Habang patagal nang patagal lalong umuusbong ang pag babago sa larangan ng makabagong teknolohiya dahil dito mas napapadali ang Gawain nating mga Pilipino sa pang araw araw na Gawain ngunit kaakibat nito ang pagiging tamad at pagiging walang prodaksyon sa pang araw araw na Gawain. Isa sa mga halimbawa ng pagbabago ng lipunan dahil sa teknolohiya mas nagiging tamad ang mga estudyante, kapag may mga takdang aralin ang mga estudyante hindi na dumideretso sa library o sa kahit anong instutusyon pinipili na lamang nilang mag hanap sa internet upang mapadali ang kanilang Gawain ng hindi tinitignan kung tama ba ang pinagkuhanan ng impormasyon na kanilang ginamit. Isa pa sa mga halimabawa ang social media madami ang nagpapalaganap ng maling balita o kung tawagin ay fake news dahil dito may mga taong naapektuhan dahil sa maling pinapakalat. Modernasasyon isa sa mga bagay na sobrang laki ang pinagbago simula noon. Naglalakihang mga imprastraktura tulad ng mga pampublikong ospital,paaralan,at ang kalsada, lalo na ang makabagong teknolohiya pag dating sa medical technology mas nakakatulong ito upang humaba pa ang buhay ng isang tao. Nagkakakaroon ng mga gamot para sa mga mas komplikadong sakit dahil sa modernisasyon sa bansa. Sa larangan ng edukasyon sumasabay na ang ating bansa sa iba pang bansa dahil sa bagong kurikulum na kto12. Samantalang ang mga kalsada naman ay mas lalong lumalawak nakakatulong ito upang maiwasan ang trapiko sa bansa at makatulong upang mas mapaganda ang kalsada sa bansa,ngunit kaakibat nito ang pag sira paonti onti n gating kalikasasan mas lumalaganap ang deforestation sa bansa at maging ang kultura ng mga Pilipino ay onti onti nang nawawala dahil sa modernisasyon na ito. Isa sa mga halimbawa na nagpabago dahil sa modernasyon ay ang Puv modernization programm dahil dito madami ang jeepney ang gustong iface out dahil lang sa luma na ito at nais ng gobyerno na palitan ng mas magandang desenyo at mas magandang makina  ang nasabing jeepney. Ang pilipinas ay unti unting umuulad dahil sa pagbabago ng lipunan may mga magagandang naidudulot ito at meron ding masamang epekto dahil sa pag babago na ito habang paunlad nang paunlad ang pilipinas mas lalo itong naayos at mas lalong nakakita ng solusyon sa mga bagay bagay sa bansa.

Sa pag lipas ng panahon hindi maiiwasan ang pagbabago sa kahit anong larangan sa bansa,maging sa teknolohiya,at modernisasyon . Ang social change ay ang pagbabago sa lipunan, pag babago na hindi maiiwasan kahit gaano man natin gustuhin na walang magbabago,samantalang ang social movement naman ay ang paggalaw ng lipunan sa nagdaang panahon. Habang patagal nang patagal lalong umuusbong ang pag babago sa larangan ng makabagong teknolohiya dahil dito mas napapadali ang Gawain nating mga Pilipino sa pang araw araw na Gawain ngunit kaakibat nito ang pagiging tamad at pagiging walang prodaksyon sa pang araw araw na Gawain. Isa sa mga halimbawa ng pagbabago ng lipunan dahil sa teknolohiya mas nagiging tamad ang mga estudyante, kapag may mga takdang aralin ang mga estudyante hindi na dumideretso sa library o sa kahit anong instutusyon pinipili na lamang nilang mag hanap sa internet upang mapadali ang kanilang Gawain ng hindi tinitignan kung tama ba ang pinagkuhanan ng impormasyon na kanilang ginamit. Isa pa sa mga halimabawa ang social media madami ang nagpapalaganap ng maling balita o kung tawagin ay fake news dahil dito may mga taong naapektuhan dahil sa maling pinapakalat. Modernasasyon isa sa mga bagay na sobrang laki ang pinagbago simula noon. Naglalakihang mga imprastraktura tulad ng mga pampublikong ospital,paaralan,at ang kalsada, lalo na ang makabagong teknolohiya pag dating sa medical technology mas nakakatulong ito upang humaba pa ang buhay ng isang tao. Nagkakakaroon ng mga gamot para sa mga mas komplikadong sakit dahil sa modernisasyon sa bansa. Sa larangan ng edukasyon sumasabay na ang ating bansa sa iba pang bansa dahil sa bagong kurikulum na kto12. Samantalang ang mga kalsada naman ay mas lalong lumalawak nakakatulong ito upang maiwasan ang trapiko sa bansa at makatulong upang mas mapaganda ang kalsada sa bansa,ngunit kaakibat nito ang pag sira paonti onti n gating kalikasasan mas lumalaganap ang deforestation sa bansa at maging ang kultura ng mga Pilipino ay onti onti nang nawawala dahil sa modernisasyon na ito. Isa sa mga halimbawa na nagpabago dahil sa modernasyon ay ang Puv modernization programm dahil dito madami ang jeepney ang gustong iface out dahil lang sa luma na ito at nais ng gobyerno na palitan ng mas magandang desenyo at mas magandang makina  ang nasabing jeepney. Ang pilipinas ay unti unting umuulad dahil sa pagbabago ng lipunan may mga magagandang naidudulot ito at meron ding masamang epekto dahil sa pag babago na ito habang paunlad nang paunlad ang pilipinas mas lalo itong naayos at mas lalong nakakita ng solusyon sa mga bagay bagay sa bansa. 


Political Dynasties in the Philippines 


Anti-dynasty bill, para sa pagbabago ng bayan

Napag-uusapan na ngayon ang pinapanukala sa Senado, ang Anti-dynasty bill. Dahil dito, maaaring makapili ang mga botante nang isang mas epektibong lider, at tuluyan nang mahinto ang korapsyon sa ating bansa.
Ayon sa 1987 Constitution of the Philippines, Article II section 26, “The State shall guarantee equal access to opportunities for public service, and prohibit political dynasties as may be defined by law.” Nailahad dito na hindi pinapayagan ang political dynasty sa ating bansa. Ngunit hindi ito maipatupad dahil ayon sa panayam kay Chief Justice Reynato Puno, hindi ito maipatupad dahil kailangan pa na magpasa pa ng batas para dito.
Kung maipapasa man ang anti-dynasty bill, malilimitahan na ang political dynasty sa Pilipinas at maaaring mabibigyan ng pagkakataon ang mga taong gusting gumawa ng pagbabago sa ating bansa. Magbibigay ito ng mas malakas at mas magandang pamumuno na walang halong korapsyon sa ating bansa.
Pero syempre, ang pagbabago na hangad ng isang mahusay na lider ay hindi maipapatupad kung hindi maisasaayos ang mga botante. Kaya kung maipapasa ang Anti-Dynasty bill, kailangan natin makapili ang mga botante na mas epektibong lider sa ating bansa para mas lalo itong maiplementahan. Kaya naman para sa inaasam na pagbabago, simulan natin sa ating sarili, “vote wisely” ika nga nila.

Structures of Families in the Philippines


Magandang Epekto ng Extended Family

Ayon sa mga Pilipino Simula noon pa lamang ay likas na sa mga Pilipino ang pamumuhay kasama ang mas malawak pa na bahagi ng kanilang pamilya. Sa oras ng pangangailangan ay masasabi nating mga Pilipino na mas maganda na mayroon tayong matatakbuhan na ating pinagkakatiwalaan. "Ang advantage noon, kampante kami na may titingin sa kanila, may mag-aalaga sa kanila maski na wala kami. Hindi lang 'yung yaya, kundi 'yung talagang kapamilya namin na may malasakit doon sa mga bata.” Iyan ang isa sa mga saloobin ng mga pamilya na namumuhay kasama ang kanilang mga kamag-anak na kadalasan sa loob ng iisang bahay lamang o sa isang compound. Mas mainam nga naman na kahit anong mangyari ay sigurado tayo sa seguridad ng ating mga anak na kung minsan ay iponagkakatiwala natin ito sa kanilang mga lolo. Kung minsan ay hindi maiiwasan ang hindi pagkakaintindihan sa loob ng pamilya, pero alam natin na kahit anong mangyari ay hindi naman talaga ito mawawala. Dahil na rin sa hirap ng buhay ay mas mainam na hindi na tayo kukuha ng yaya o katulong na binabayaran buwan-buwan. Higit na sigurado tayo at makakatipid na likas sa mga Pilipino.